Tuesday, March 31, 2026

Bagong bukas na expressway sa Norte, libre hanggang Disyembre, makatulong rin sa pagbaba ng presyo ng bigas – PBBM

Libreng magagamit ng mga motorista ang Central Luzon Link Expressway (CLLEX) hanggang Disyembre.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa libreng toll, mas maraming sasakyan ang makakadaan, na magpapabilis sa daloy ng transportasyon at magpapababa sa gastos sa biyahe.

Dahil dito, inaasahang mababawasan ang konsumo sa gasolina at krudo, na direktang makakatulong para hindi tumaas ang presyo ng mga bilihin.

Dagdag pa ng pangulo, malaki ang epekto nito sa agrikultura, lalo na sa Nueva Ecija na kilalang “rice granary” ng bansa.

Sa mas mabilis at mas murang transportasyon, bababa ang gastos sa pagdadala ng ani tulad ng palay, na makatutulong para mapanatiling abot-kaya ang presyo ng bigas sa merkado.

Facebook Comments