Isa na namang bagong variant ng COVID-19 ang natukoy na pinangalanang C.1.2 COVID-19 variant.
Nagmula ito sa South Africa na bagama’t hindi pa naka-tag na variant of interest (VOI) o variant of concern (VOC) ay lubos na nakakapanghawa sa isang tao.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, Infectious diseases at tropical medicine expert, ilang pag-aaral na ang nagpakita na kahalintulad ng C.1.2 variant ang iba pang variant sa mundo.
Mayroon itong mutation sa spike protein, kagaya nang nakita sa Alpha, Beta, at Gamma variant.
Ibig sabihin ay mabilis na kumakapit sa host cell ang virus at mayroong implikasyon na maging highly transmissible.
Sa ngayon, wala pang kaso ng C.1.2 variant sa Pilipinas.
Facebook Comments