Maglalabas ng bagong calendar of activities ang Commission on Elections (COMELEC) para sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa susunod na taon.
Kaugnay ito ng naunang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Republic Act (RA) 11935 o batas na nagpapaliban sa skedyul ng BSKE sa darating na October 30, 2023 mula sa orihinal nitong petsa na Disyembre 5, 2022.
Tiniyak naman ng COMELEC na hindi masasayang ang mga naimprinta nitong balota na pansamantalang itatabi para magamit sa eleksyon sa susunod na taon.
Samantala, ipagpapatuloy ng komisyon ang voter registration sa huling linggo ng Nobyembre ngayong taon, at magtatagal hanggang sa huling linggo ng May 2023.
Magkakaroon din ng pilot testing ng “register anywhere” system na sisimulan sa mga mall sa National Capital Region (NCR), na naglalayong maiwasan ang mahabang pila ng mga nagpaparehistro sa field office ng COMELEC.