Bagong Camp Crame monument, pinasinayaan ng PNP kaugnay sa paggunita ng araw ni Heneral Rafael Crame

Ginugunita ng Philippine National Police (PNP) ang araw ni Heneral Rafael Crame ngayong araw.

Kasabay nito, pinasinayaan rin sa Camp Crame ang bagong monumento ni Heneral Crame na pinangunahan ni PNP Chief General Debold Sinas.

Ayon kay Sinas, pinag-aralan nila ang bagong design ng monumento ni Heneral Crame na makikita malapit sa gusali ng PNP general headquarter at PNP grandstand.


Aniya, sa tulong ng mga artist ng National Historical Commission of the Philippines ay nagawa aniya ng mas maganda ang statue ni Heneral Crame.

Sa ngayon aniya ay mas malaki ito na gawa na sa bronze o tanso.

Ang pag-alala ng PNP sa araw ni Heneral Crame bilang pagpapahalaga sa mga nagawa nito sa hanay ng pulisya bilang unang Pilipinong naging pinuno ng Philippine Constabulary.

Facebook Comments