BAGONG CENTENARIAN SA VILLASIS, PINARANGALAN NG LGU

Tunay na isang pambihirang biyaya ang mahabang buhay lalo na para sa mga indibidwal na umaabot sa edad na isandaang taon pataas o mas kilala bilang mga centenarian.

Ipinagmamalaki ng bayan ng Villasis ang kanilang panibagong centenarian matapos umabot sa isandaang taong gulang si Ginang Timotea C. Ganzagan, residente ng Barangay Amamperez.

Bilang pagkilala sa kanyang mahalagang yugto at sa inspirasyong hatid nito sa komunidad, personal na bumisita ang lokal na pamahalaan ng Villasis upang ipaabot ang kanilang pagbati.

Kabilang sa kanilang handog ang isang cake at cash incentive na nagkakahalaga ng Php 10,000 bilang simbolo ng paggalang at pagpapahalaga.

Makakatanggap din ito ng karagdagang Php 100,000 mula sa National Government sa ilalim ng Republic Act No. 10868, o mas kilala bilang Centenarians Act of 2016.

Ang pag-abot ni Ginang Ganzagan sa edad na isandaang taon ay patunay na ang mahabang buhay ay isang biyayang hitik sa karanasan at karunungan, ito’y isang inspirasyon sa lahat na alagaan, pahalagahan, at mahalin ang sarili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments