MANILA – Papangalanan na ngayong araw nang Malakanyang kung sino ang magiging susunod na chief of staff ng Armed Forces of the Philippines kapalit ni General Ricardo Visaya.Si Visaya ay magreretiro na sa serbisyo sa darating na Huwebes, December 8, 2016.Sa interview ng RMN kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla – nagsumite na ng short list si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng mga pangalan na kaniyang inirekumenda kay Pangulong Rodrigo Duterte.Kabilang sa mga pinagpipilian ay ang mga major service commanders lalo na ang mga three star rank generals tulad nina Vice Chief of Staff Lt. Gen. Glorioso Miranda, PAF commanding General Edgar Fallorina, Deputy Cos Lt. Gen. Salvador Melchor Mison, PA Chief Lt. Gen. Eduardo Ano at Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero
Bagong Chief Of Staff Ng Armed Forces Of The Philippines, Papangalanan Na Ngayong Araw Ng Malacañang
Facebook Comments