Mas pinatatag ang suporta sa maagang edukasyon sa Bani, Pangasinan sa pagpapasinaya ng bagong Child Development Center na magbibigay ng ligtas at maayos na pasilidad para sa pagkatuto ng mga bata.
Opisyal na binuksan ang Child Development Center with Access Road sa Barangay Dacap Sur sa tulong ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 – Ilocos Region sa ilalim ng KALAHI-CIDSS Pag-Abot Program.
Ang pasilidad ay itinayo sa dating bakanteng lote upang matugunan ang pangangailangan sa angkop na learning environment para sa mga batang nasa early childhood stage.
Ayon sa DSWD, layon ng proyekto na mabigyan ang mga bata ng mas ligtas at akmang espasyo sa paghubog ng kaalaman, na inaasahang mag-aambag sa kanilang pangmatagalang pag-unlad at sa mas matatag na kinabukasan ng kanilang pamilya.









