Binuksan na sa publiko ang bagong children’s playground sa San Fernando City, La Union bago matapos ang taong 2024.
Kabilang sa mga bagong kagamitan ang seesaw, monkey bars, swing, at climbers na maaaring gamitin ng mga bata.
Layunin ng proyekto na magbigay ng dekalidad na recreational activities para sa wastong pag-unlad ng kabataan at mapanatili ang sigla ng plaza ng lungsod.
Hinimok ng lokal na pamahalaan ang mga magulang na maging responsable sa pagbabantay sa kanilang mga anak upang matiyak ang kanilang kaligtasan habang ginagamit ang mga pasilidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments