Bagong Chinese ambassador nag-courtesy call kay PRRD

58

Manila, Philippines – Humarap si Pangulong Rodrigo Duterte kay bagong Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa Malacañang kagabi.

Nagtungo sa Palasyo si Huang upang ilatag sa Pangulo ang kaniyang credentials.


Ibinida ng chief executive ang pagkakaibigan ng China at Pilipinas kasabay ng paghiling na maging produktibo ang pananatili ni Huang sa bansa.

Sa panig naman ng Chinese ambassador, sinabi nitong gagawin niya sa abot ng kaniyang makakaya ang pagsusulong ng bilateral relations ng dalawang bansa.

Hiniling din nito ang prosperity para sa Pilipinas at maayos na lagay ng kalusugan para kay Pangulong duterte.

Bukod sa China, humarap din sa Pangulo mga bagong ambassador ng Denmark, Sri Lanka, Greece, Myanmar at South Africa.

Facebook Comments
From Advertisers