
Pormal nang pinasinayaan ang bagong City Health Office III sa Barangay Labit Proper, Urdaneta City, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na palakasin at ilapit sa mamamayan ang mga serbisyong pangkalusugan.
Ang makabagong gusali ay itinayo upang magsilbing pangunahing pasilidad para sa serbisyong medikal ng mga residente ng barangay at mga kalapit na lugar. Taglay nito ang mga kinakailangang pasilidad para sa konsultasyon, preventive care, at iba pang serbisyong pangkalusugan na makatutulong sa mas maagap at episyenteng pangangalaga sa kalusugan ng publiko.
Dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod, kawani ng City Health Office, at mga kinatawan mula sa komunidad ang seremonya ng inagurasyon. Sa mensahe ng mga opisyal, binigyang-diin na ang bagong City Health Office III ay patunay ng patuloy na pamumuhunan ng lokal na pamahalaan ng Urdaneta City sa kalusugan at kapakanan ng mga residente.
Inaasahang ang bagong pasilidad ay makatutulong sa pagbawas ng siksikan sa iba pang health centers at magsisilbing mahalagang hakbang tungo sa mas abot-kaya, organisado, at makataong serbisyong pangkalusugan para sa lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










