BAGONG CITY POLICE STATION, ITATAYO SA SYUDAD NG ILAGAN

CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang isinagawang Groundbreaking Ceremony para sa bagong itatayong Component City Police Station (CCPS) ng syudad ng Ilagan.

Ang pondong inilaan para sa nasabing proyekto ay umabot sa halagang P25 million pesos, na pinondohan ng Philippine National Police.

Watch more balita here:Β MEXICO, PAMUMUNUAN NG KAUNA-UNAHANG BABAENG PRESIDENTE


Samantala, ang lupang gagamitin ay mula naman sa LGU-Ilagan sa pamamagitan ng Usufruct Agreement.

Layunin ng proyekto na makapagbigay ng agarang tulong, seguridad, at proteksyon ang mga Mammangi Cops sa mga mamamayan ng Ilagan.

Facebook Comments