Bagong classification ng COVID-19 cases, mahalaga ayon sa DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na mahalaga ang pagka-classify ng COVID-19 cases bilang “fresh” o “late.” lalo na at mabagal pa rin ang validation process.

Sa ilalim ng bagong klasipikasyon ng DOH, ang “fresh cases” ay mga test result na inilbas sa loob ng tatlong araw, habang ang “late cases” ay mga test result na inilabas ng apat na araw o higit pa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, matagal ang validation process dahil nakapaloob dito ang pag-check kung ang indibiduwal ay nailista lamang ng isang beses, kung tama ang kanilang pangalan, kung nakalista lamang ang mga ito sa iisang laboratoryo.


Importante ang bagong classification sa ngalan na rin ng transparency.

Bago ito, sinabi ng DOH na patuloy ang kanilang validation sa 6,800 possible COVID-19 cases.

Sa ngayon, aabot na sa 18,997 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 4,063 ang gumaling habang 966 ang namatay.

Facebook Comments