Bagong classification ng COVID-19 cases, pinuna ni Vice President Leni Robredo

Kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo ang bagong ipinapatupad na classification ng Department of Health (DOH) sa mga bagong kaso ng COVID-19.

Nabatid na itinuturing “fresh cases” kapag ang mga test results ay inilabas sa nakalipas na tatlong araw habang ang “late cases” ay ang mga test result na inilabas apat na araw o higit pa.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na magdudulot lamang ito ng kalituhan.


Muling nanawagan ang Bise Presidente sa DOH na pabilisin ang accreditation ng mga COVID-19 testing centers.

Una nang sinabi ng DOH na binago nila ang paraan ng pag-uulat sa mga kaso ng COVID-19 para maiwasan ang pangamba ng publiko sa pagtaas ng kaso.

Facebook Comments