Nagbabala ang isang maritime law expert na posibleng magdulot ng tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea ang bagong pasang batas ng China.
Noong Biyernes, ipinasa ng China ang isang batas na binibigyang kapangyarihan ang kanilang coast guard na gumamit ng anumang uri ng dahas kabilang na ang paggamit ng armas sa mga foreign vessels na papasok sa kanilang teritoryo at magtatayo ng istraktura.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Jay Batongbacal na kailangang malinaw ng Pilipinas ang nilalaman ng nasabing batas lalo na’t maaaring magdulot ito ng gyera sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Malaki rin aniya ang posibilidad na ma-harass ang ating mga mangingisda sa Chinese Coast Guard Law.
Nabatid na halos araw-araw na nagsasagawa ng flight ang China sa katubigan na kanilang inaangkin kabilang na rito ang katimugang bahagi ng Taiwan at sa Pratas islands na kontrolado.