Bagong Coast Guard law ng China, hindi makakaapekto sa pagbabantay ng mga sundalo sa ating karagatan – AFP

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na patuloy nilang poprotektahan ang karagatang sakop ng Pilipinas sa gitna ng bagong Coast Guard law ng China.

Paliwanag ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, hindi apektado ng mga batas ng ibang bansa ang kanilang pagprotekta sa soberenya ng West Philippine Sea sa ilalim ng mandato ng konstitusyon.

Ang pahayag na ito ni Arevalo ay kasunod ng pagkabahala ng Estados Unidos sa naturang Chinese Coast Guard law kung saan pinapahintulutan ang mga ito na paputukan ang foreign vessels sa pinag-aagawang teritoryo.


Ayon kay Us Department of State Spokesperson Ned Price, maaaring gamitin ng China ang batas na ito para takutin ang mga katabing bansa.

Samantala, nagdeploy na ng karagdagang barko ang Pilipinas sa West Philippine Sea upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda.

Facebook Comments