Bagong command group ni PNP Chief General Guillermo Eleazar, pormal nang nanungkulan

70

Pormal nang umupo sa kanilang mga pwesto ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na bumubuo sa command group ni PNP Chief General Guillermo Eleazar.

Pinangunahan ni Eleazar sa kanyang unang flag raising ceremony ang panunumpa nina Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na bagong Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Ephraim Dickson na bagong Deputy Chief for Operations at Lt. Gen. Dionardo Carlos na Chief of the Directorial Staff.


Sina Vera Cruz at Dickson ay mga kaklase ni Eleazar sa PMA Hinirang Class of 1987 habang si Carlos naman ay miyembro ng PMA Maringal Class of 1988.

Dahil naman sa magandang trabaho sa nakalipas na hinawakang posisyon, ginawaran kanina ng medalya ng pambihirang paglilingkod si General Eleazar.

Habang medalya ng kasanayan si Vera Cruz at Dickson at ginawaran din ng pagkilala sa pambihirang paglilingkod si Carlos.

Kasabay ng assumption sa kanilang mga opisina, itinurn over din sa kanila ang mga office syembol.



At dahil naman sa umiiral pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), wala pa ring formation sa harap ng National Headquarters at limitado lang din ang bilang ng mga dumalo.


Facebook Comments