BAGONG COMMANDER NG 5TH ID, OPISYAL NG UMUPO

Cauayan City – Naging matagumpay ang isinagawang pagpapalit ng bagong pinuno ng 5th Infantry Division kahapon ika-28 ng Hunyo sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Itinalaga bilang bagong commander ng 5th ID si Brigadier General Gulliver SeƱires dating commander ng 702nd Infantry Defender Brigade ng 7th Infantry Division matapos ang naging compulsory retirement ni Major General Audrey L. Pasia.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay BGen. SeƱires, isa sa pinaka layunin nito ay ang maipagpatuloy ang pagsugpo sa mga armadong grupo sa kanilang nasasakupan.


Ayon sa kanya, layunin nitong tuluyang masugpo ang pwersa ng makakaliwang grupo kaya’t sa natitira pang anim na buwan ngayong taon ay gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makamit ang kanilang adhikain.

Samantala, dumalo sa Change of Command Ceremony si Philippine Army Commanding General Lieutenant General Roy Galido kung saan siya ang nagsilbing Presiding General Officer.

Facebook Comments