Umupo na bilang ika-35 Commander ng Armed Forces of the Philippines o AFP Western Command (WESCOM) si Rear Admiral Alberto Carlos matapos palitan si Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez na magreretiro sa serbisyo sa January 24, 2022.
Pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Andres Centino ang change of command ceremony sa Camp General Artemio G. Ricarte sa Puerto Princesa City, Palawan.
Sa kaniyang talumpati, siniguro ni Carlos na kaniyang gagamitin ang kaniyang kakayahan para matugunan ang internal at external concerns lalo na sa West Philippine Sea.
Bago maitalaga sa pwesto, si Carlos ay nagsilbing Commander ng Philippine Fleet.
Nagtapos siya sa United States Naval Academy noong 1989 at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989.