Bagong commander ng PSG, pormal nang umupo sa pwesto

Pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang change of command ceremony ng bagong pinuno ng Presidential Security Group o PSG na si BGen. Jesus Nelson Morales.

Isinagawa ang seremonya sa PSG Grandstand sa Malacañang Park sa lungsod ng Maynila.

Pinalitan ni Morales si BGeneral Ramon Zagala na itinalaga ng Pangulo bilang commander ng Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Binigyan naman ni Marcos si Zagala ng distinguished service star dahil sa mahalagang pagganap nito bilang commander ng PSG na isang major responsibility.

Sa talumpati ng pangulo sa change of command ceremony, nagpasalamat at kinilala nito ang serbisyo ni Zagala dahil sa naging matagumpay ang mahigit 500 presidential event, domestic at international.

Habang umaasa ang pangulo na mas gaganda ang serbisyo ng PSG sa pamumuno ng bagong PSG commander na si Morales.

Sa talumpati naman ng bagong PSG Commander BGen. Morales, sinabi nitong committed siyang gawin ang kanyang misyon sa pamamagitan nang pagpapatuloy sa pagpapalakas ng kapabilidad ng PSG.

Nagpasalamat din si Morales sa pangulo sa pagtitiwala sa kanya para pamunuan ang PSG.

Ang PSG ang nakatutok sa kaligtasan ng pangulo at first family.

Facebook Comments