Bagong commemorative coins inilabas ng BSP

Kapansin-pansin ngayon sa mga bagong commemorative coins na pinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ang mayamang cultural heritage ng bansa.

Bilang depository at custodian ng numismatic heritage ng bansa, pinalabas ng Central Bank ang commemorative coins na nagpapakita ng makasaysayang pangyayari sa bansa, landmarks at mga pamana ng pinagpipitaganang Filipino.

Ang pinakahuling commemorative coins na inisyu ng BSP ay nagtatampok ng mga bayaning Filipino gaya nina Teresa Magbanua, Mariano Ponce at General Emilio Aguinaldo.


Ayon sa BSP ang Php 100 coins na nagkakahalaga ng Php350.00 ay mabibili sa online sa pamamagitan ng BSP Store ngunit ubos na.

Nilinaw naman ng BSP, na ang mga commemorative coins ay maaari ring ipambili maliban na lamang kung i-demonetize ng BSP.

Facebook Comments