Bagong Commemorative Coins ng Pilipinas, ilalabas sa 2026

Bagong Commemorative Coins ng Pilipinas, ilalabas sa 2026

Ipinresenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang bagong commemorative coin series na P10 ASEAN 2026 coin at ang P100 Philippine Festivals coin series na ilulunsad sa susunod na taon.

Sa seremonya sa Malacañang, personal na iniabot nina BSP Gov. Eli Remolona at Deputy Gov. Mamerto Tangonan ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 2026 coin na simbolo ng pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN sa 2026.

Nasa coin ang ASEAN logo na may woven pattern, rice stalk, waves at balangay boat, pati QR code na puwedeng i-scan para sa impormasyon.

Ipinakita rin ang 12-piece ₱100 festival coins na tig-iisang ilalabas bawat buwan mula Enero, kung saan tampok ang ilang pista tulad ng Sinulog, Pahiyas, Moriones, MassKara, Kadayawan, at Giant Lantern Festival.

May nakapaloob ding parol design sa bawat piraso.

Ayon kay Tangonan, 3,000 pirasong coins kada buwan ang ilalabas at ibebenta sa ₱5,000 bawat isa.

Target ng BSP na makatulong ito sa turismo at makaakit ng collectors mula sa Pilipinas at abroad, bilang pagdiriwang ng makulay na kultura ng bawat rehiyon.

Facebook Comments