Bagong Communications and Command Center ng MMDA, nilagyan ng surveillance at monitoring system

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mas maging epektibo na ang pagresponde sa mga sakuna, kalamidad, at iba pang emergency situation sa Metro Manila.

Kasunod ito ng pag-activate ng bagong Communications and Command Center (CCC) ng MMDA.

Ang bagong Command Center kasi ay nilagyan ng mga makabagong teknolohiya tulad ng surveillance at monitoring system, smart-enabled devices, at isang advanced multi-display video wall system.


Sa pamamagitan nito, mas mabilis na makakalap at mapag-aaralan ng mga opisyal ang mga impormasyon na mahalaga sa pagbuo ng desisyon at pagpaplano ng aksyon.

Ang bagong command center ay magsisilbing “nerve center” ng ahensya para sa information management at decision-making, lalo na pagdating sa traffic control, disaster response, at public safety.

Facebook Comments