BAGONG CONCRETE SLAB, IKINABIT PARA SA MAS MAAYOS NA PARKING AREA SA PAMILIHAN NG SAN NICOLAS

Ikinabit ang bagong concrete slab sa bahagi ng pampublikong pamilihan ng San Nicolas upang maging mas maayos at ligtas ang parking area para sa mga mamimili at nagtitinda.

Ang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng 2025 Development Fund ng lokal na pamahalaan.

Inaasahang makatutulong ito sa pagpapabuti ng daloy ng trapiko at pagbibigay ng mas komportableng espasyo sa mga bumibisita sa pamilihan.

Personal na sinuri ng mga opisyal ng bayan ang progreso ng pagkakabit ng slab upang matiyak ang kalidad ng konstruksyon.

Bahagi ito ng mas malawak na programa ng lokal na pamahalaan para sa modernisasyon ng mga pasilidad at pagpapatatag ng lokal na ekonomiya.

Facebook Comments