Misamis Occidental – Upang matugunan ang lumalaking demand para sa passports at iba pang consular services sa Zamboanga at Northern Mindanao Regions, binuksan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang bagong consular office nito sa Clarin, Misamis Occidental.
Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular affairs Neil Frank Ferrer, ang pagbubukas ng consular office ay makatutulong sa kagawaran na tuparin ang pangako na maihatid ang mga serbisyo nito sa publiko.
Ang consular office Clarin ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, mula 9:00 A.M. hanggang 6:00 P.M. at ang appointments para sa passport services ay available na ngayon, via passport.gov.ph/appointment.
Sa pagbubukas ng bagong consular office hindi na kailangan pang pumunta sa Manila o Cagayan de Oro ang mga aplikante upang makuha ang kanilang mga pasaporte.
Nabatid na ito na ang ika-tatlumput limang consular office ng DFA sa bansa at ika-walong consular office sa Mindanao.