Bagong COVID-19 benefit package, nire-review ng PhilHealth ayon kay PRRD

Isinumite sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang isang proposed update sa benefit package ng COVID-19 testing.

Sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, nakapaloob sa proposal ang pagbuo ng expert panel na siyang magde-develop at magre-review ng benefit packages.

Si Health Secretary Francisco Duque III ang chairperson ng PhilHealth Board.


Bago ito, naiulat na ibababa ng Philhealth ang halaga ng package mula sa ₱8,150 patungong ₱4,200 matapos itong mapuna sa pagdinig ng Senado.

Iginiit naman ni PhilHealth President Ricardo Morales na limitado pa lamang ang supply ng mga test kits noong Marso kung kaya’t umabot noon sa ₱8,150 ang halaga ng kanilang package na binili.

Nabatid na target ng pamahalaan na isailalim sa test ang dalawang porsyento ng populasyon para malaman ang lawak ng pandemya sa bansa.

Facebook Comments