Bagong COVID-19 variant, mahigpit na binabantayan ng DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na mahigpit nilang binabantayan ang bagong COVID-19 variant na nadiskubre sa South Africa.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, sa ngayon ay kulang pa ang mga datos para maituring na “variant of concern” ang B.1.1.529.

Aniya, pinag-aaralan pa ng World Health Organization (WHO) ang katangian ng bagong variant, kung mas mabilis itong makahawa at mas mapanganib kumpara sa mga naunang variant.


Una nang iniulat ng mga scientist sa South Africa na may multiple mutations ang B.1.1.529 na siya ngayong itinuturong dahilan ng panibagong surge ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Nakapagtala na rin ng kaso nito sa Botswana at Hong Kong mula sa mga biyaherong galing sa South Africa.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na naghahanda ang DOH para masigurong hindi makakapasok sa Pilipinas ang bagong COVID-19 variant.

Facebook Comments