Bagong COVID strain mula United Kingdom, wala pang patunay na makapagpapalala ng virus

Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang ebidensya na ang nadiskubreng bagong strain ng COVID-19 sa United Kingdom at Northern Ireland ay makapagpapalala sa virus.

Pero ayon kay Duque, ang banta ng bagong strain ng virus ang nagtulak sa Inter-Agency Task Force na magpatupad ng travel ban ng mga manggagaling sa United Kingdom mula December 24 hanggang 31.

Aniya, bagama’t hindi pa ito nade-detect sa Pilipinas, hindi aniya nila hahayaan na makaapekto pa sa bansa ang bagong strain ng virus.


Tiniyak naman ni Duque sa publiko na naka-full alert na sila upang maiwasang makaabot ang bagong strain sa Pilipinas.

Samantala, kakailanganin namang sumailalim sa 14-day mandatory quarantine sa New Clark City sa Tarlac ang mga biyaherong mula UK na hindi nasakop ng ipinatupad na travel ban ng Pilipinas.

Ito ay kahit na magnegatibo ang resulta ng mga ito sa COVID-19 test na isasagawa pagdating ng bansa.

Facebook Comments