BAGONG CURRICULUM | Bagong general education curriculum na magpapaikli ng isang taon sa ilang college courses, ipatutupad

Manila, Philippines – Ipatutupad ng Commission on Higher Education (CHED)
sa susunod na school year ang bagong general education curriculum na
magpapaikli ng isang taon sa ilang college courses.

Ayon kay CHED O-I-C Prospero De Vera, nilagdaan na ng technical panel ang
‘General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual And
Civic Competencies’ Memorandum at epektibo na ito sa academic year
2018-2019.

Layunin aniya ng memorandum na maiwasan ang pagdoble ng subjects sa basic
at higher education.


Aniya ang bagong curriculum ay binawasan sa 36 units mula sa dating 63
units dahil maraming subjects na ang inihanay sa Senior High School (grade
11 at 12).

Sa ilalim ng bagong curriculum, ang mga five-year courses tulad ng
engineering ay magiging apat na taon na lang habang ang mga four-year arts
and sciences program ay mananatiling apat na taon.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments