Bagong DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., pinabulaanang balik-bayad sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagtalaga sa pwesto

Pinabulaanan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na balik-bayad ang pagtalaga sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pwesto.

Kasunod ito ng ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism na isa si Laurel sa pinakamalaking campaign donors ni Marcos noong 2022 elections.

Giit ng kalihim, para sa bayan ang kanyang gagawing serbisyo.


Tiniyak din ni Laurel na walang mangyayaring conflict of interest dahil binitawan na niya ang responsibilidad sa kumpanya nitong Frabelle Corporation.

Facebook Comments