BAGONG DAGUPAN CITY HEALTH OFFICE CLINICAL LABORATORY, PINASINAYAAN

Pinalakas ng Dagupan City ang serbisyong pangkalusugan sa pagpapasinaya ng bagong gawang City Health Office Clinical Laboratory kahapon, Disyembre 11, 2025.

Kasama sa aktibidad ang pagpapabasbas ng pasilidad bilang hudyat ng pinalawak na serbisyo para sa mga residente.

Ayon sa City Health Office, layon ng bagong laboratoryo na mapahusay ang access sa de-kalidad na diagnostic services, lalo na para sa mga pamilyang kapos sa buhay.

Kabilang sa mga serbisyong patuloy na ibinibigay nang libre ang X-ray, ultrasound, 2D echo, ECG, at mammogram, na nakatutulong sa maagap na pagtukoy ng sakit at pagligtas ng buhay.

Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na ang pagpapagawa sa pasilidad ay naaayon sa safety at operational standards upang maging mas episyente ang diagnostic procedures. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments