BAGONG DAY CARE CENTER SA TUMAUINI, PINASINAYAAN

CAUAYAN CITY – Pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Tumauini sa pangunguna ni Mayor Venus Bautista ang Ribbon Cutting Ceremony ng isang Day Care Center kahapon, ika-8 ng Agosto, sa Brgy. District 1, Tumauini, Isabela.

Hiniling din ni Mayor Baustista na ingatan ang bagong pasilidad upang pakinabangan pa sa mas mahabang panahon.

Samantala, layunin ng proyekto na magkaroon ng maayos na pasilidad para sa mga mag-aaral at upang maging maayos ang pagtuturo sa mga bata sa naturang barangay.


Facebook Comments