Nag-alok ng bagong deal si British Prime Minister Theresa May na may kaugnayan sa nakatakdang pag-alis ng United Kingdom sa European Union.
Kabilang sa offer ni May ang pagkakataong pagbotohan kung magsasagawa ng ikalawang referendum para maresolba ang hindi pagkakaunawaan tungkol sa Brexit.
Umapela si May sa mga mambabatas na suportahan ang kanyang deal na layunin ding magkaroon ng closer trading agreement sa EU.
Umaasa rin ang Prime Minister na mananalo siya sa opposition labour lawmakers.
Pero sinabi na ni Labour leader Jeremy Corbyn na hindi boboto ang kanilang partido sa withdrawal bill at itinuturing ang bagong offer ni May na “rehash” lamang ng katayuan ng gobyerno.
Facebook Comments