BAGONG DEMO FARM FACILITY SA LINGAYEN, ININSPEKSYON

Ininspeksyon ng Department Managers ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang bagong Demo Farm Facility sa Brgy. Bantayan sa naturang bayan.

Ang bagong demo farm facility ay siyang makatutulong para sa pagbibigay ng karagdagan pang kaalaman sa mga magsasaka pagdating sa sustainable na paraan ng pagtatanim ng palay.

Suporta rin ito sa mga magsasaka sa bayan para sa pagpapalawak pa ng kanilang kaalaman lalo na sa pag-usbong ng mga teknolohiyang makapagpapadali ng kanilang trabaho.

Sa tulong rin ng Municipal Agriculture Office (MAO) ay isinasagawa ang mga pagsasanay para sa pagpapaangat ng kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa mga magagamit na bagong teknolohiyang pansaka.

Patuloy naman ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga naturang proyekto tulad nito para mapatatag ang sektor ng pagsasaka sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments