Bagong DepEd Secretary Senator Sonny Angara, tiwalang makagagawa ng mga reporma sa DepEd; ilang plano, inilatag

Tinanggap ni Senator Sonny Angara ang pagiging Kalihim ng Department of Education (DepEd) dahil naniniwala siyang makagagawa siya ng reporma sa mga kabataan at sa sektor ng edukasyon.

Naniniwala si Angara na kapag nagtagumpay siya na makatulong sa maraming kabataan na itinuturing na kinabukasan ng bansa, tiyak na matutulungan din dito ang pamilya, matututo ang mga estudyante at matutulungan din sila na magtagumpay sa buhay.

This slideshow requires JavaScript.


Sinabi pa ni Angara na uunahin niya ang action-formation sa edukasyon kung saan lahat ng mga mag-aaral ay dapat makapag-enroll sa mga paaralan at mabigyan ng puwang ang lahat ng mga kabataan sa eskwelahan.

Nais ding tutukan ni Angara ang kondisyon ng mga paaralan at mga pangangailangan ng mga guro at matiyak na magagamit sa dapat ang pondo ng ahensya.

Sinabi pa ng bagong DepEd Secretary na kung maganda ang proyekto ni Vice President Sara Duterte na “streamlining ng curriculum” sa basic education ay posibleng ituloy niya ito.

Sa July 19 ay pormal nang uupo bilang bagong DepEd Secretary si Angara.

Facebook Comments