Gagawa ng adjustment o pagbabago ang pamahalan para sa food stamp program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ito ay upang mas ma-promote ang self-sufficiency sa bansa at may mai-contribute sa nation building.
Sa ulat ng ng Presidential Communications Office (PCO), nakasaad na gumagawa ng paraan ang DSWD para sa design ng food program upang hindi masyadong umaasa ang mga benepisyaryo sa tulong ng gobyerno.
Ayon kay SWD Undersecretary Edu Punay ayaw niyang matulad sa 4Ps ang food stamp program na kahit due for graduation o tapos na dapat tulungan ng pamahalaan ay tumatanggap pa rin ng tulong.
Kaya mahalaga aniyang mga kondisyon sa pagpapatupad ng food stamp program.
Batay pa sa ulat ng PCO, may draft na ang DSWD para sa design ng food stamp program kung saan inoobliga ang mga pamilyang benepisyaryo na makiisa sa labor capacity building.
Dapat raw na mag-enroll ang mga ito sa training program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para matuto silang tumayo sa kanilang sarili paa o buhayin ang kanilang pamilya.
Una nang sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na plano nyang magsagawa ng pilot-test ng food stamp program sa second half ng taong ito kung saan may ayudang 3 million us dollars mula sa Asian Development Bank (ADB) para sa anim na buwan na pilot run ng food stamp program.
Magiging benepisyaryo ng food stamp program ay ang mga pamilya kumikita ng mas mababa sa 8 libong piso kada buwan.