Maaari nang inumin at mabibili na sa merkado ang bagong developed na food supplement na gawa sa isang “immune-booster” fruit.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang kanilang Region 2 office ay nakikipagtulungan sa Cagayan State University (CSU) para sa produksyon ng Bignay food supplement.
Napatunayan ang bisa ng supplement matapos dumaan sa serye ng laboratory tests na isinasagawa ng unibersidad.
Para matiyak ang kalidad nito, dadaan ang food supplement sa standards at compliance.
Ang “Balik Scientist” Professor na si Maria Muñoz ang siyang nag-develop ng bagong food supplement na mula sa bignay. Isa rin siyang molecular biologists, airway physiologist at pharmacology expert.
Ang Bignay ay isang maliit na kulay pulang prutas na matatagpuan sa Southeast Asian countries gaya ng Pilipinas.