Sinagot ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Atty. Jeremiah Belgica ang puna ng mga kritiko na sangkot silang mag-aama kaya nagkakaroon ng pwesto sa gobyerno.
Ito’y matapos siyang mabigyan ng appointment sa pamahalaan bukod sa kanyang ama na si Butch Belgica at kapatid na si PACC Commissioner Greco Belgica.
Ayon kay Jeremiah, wala siyang nilalabag na batas na may kaugnayan sa nepotismo o pagpili ng tao tulad na lamang ng kapatid o kamag-anak lalo na’t ang nagtalaga sa kanilang mag-aama ay si Pangulong Rodrigo Duterte.
Papasok lamang daw ang isyu ng nepotismo kung isa sa kanyang miyembro ng pamilya ang naglagay sa kanya sa puwesto sa pamahalaan.
Nagpasalamat ang opisyal sa ibinigay na tiwala ng Pangulo at sisiguraduhin daw niyang buo ang kanilang suporta sa anti-corruption campaign ng ng pamahalaan.