Mayroon ng bagong disenyo ng iconic “Love Bus” na naging popular noong 1970’s.
Sa panayam ng DZXL News kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, inilabas na nila ang disenyo at simple lang ito gaya ng mga naunang Love Bus.
Kung maalala, sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos, ibabalik nito ang naturang uri ng transportasyon hindi lamang sa Metro Manila kundi pati sa iba pang lugar sa bansa gaya ng Cebu at Davao.
Posible namang ilunsad ang Love Bus sa katapusan ng taong 2025.
Ang Love Bus noong panahon ng Marcos Sr. administration ay ang kauna-unahang airconditioned at double-decker bus sa bansa.
Facebook Comments









