Dinepensahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang paglalabas ng bagong disenyo ng P1,000 bill.
Sa bagong disenyo ng pera, pinalitan ng imahe ng Philippine eagle ang mukha ng Philippine heroes na sina Josefa Llanes Escoda, Vicente Lim at Jose Abad Santos.
Paliwanag ni Atty. Sarah Severina Curtis, Deputy Director ng Banknotes and Securities Production Management Department ng BSP, nais nilang malaman kung mas secure at mas environment friendly ang polymer material na ginamit sa paggawa ng pera.
Habang ginamit nila ang imahe ng agila bilang simbolo ng pangangalaga sa kalikasan.
Bukod dito, iginiit ni Curtis na may kalayaan ang BSP na magdesisyon sa kung ano ang magiging disenyo ng mga pera.
Una nang nilinaw ng Malacañang na mananatili sa sirkulasyon at hindi idi-demonetize ang P1,000 bill na may mukha ng tatlong bayaning Pilipino.
Magsisimula naman ang test circulation ng bagong P1,000 bill sa April 2022.