Isang paraan sa paga- assert ng Pilipinas sa mga teritoryo ng bansa ang bagong disensyo na isinusulong ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ito ang sinabi ni Presidentential Spokesperson Salvador Panelo sa gitna ng plano ng pamahalaan na higpitan ang proseso sa pagpapapasok ng mga Chinese tourist sa bansa.
Ayon kay Panelo, sa cabinet meeting kagabi, iprinisinta ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin ang bagong disenyo ng Philippine Visa na kinatatampukan ng mapa ng Pilipinas.
Ngayong taon, layon ng pamahalaan na maipatupad ang bagong disyenyong ito na agad aniyang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang DFA na aniya ang bahala sa implementasyon nito maging ang pagi-issue ng protocol para sa procedure ng bagong visa.
Facebook Comments