Pinangunahan ni Defense sec. Gibo Teodoro ang wreath laying ceremony sa Mausoleum of the Veterans of the Revolution sa loob ng Manila North Cemetery.
Kasama ng kalihim ang commander ng Philippiner Air Force BGen. Gerald Gagan, at si Manila City Vice Mayor Yul Servo.
Bukod sa wreath laying ceremonies na isinagawa ni Teodoro, nagsagawa rin ng 21 gun salute bilang karangalan sa mga bayaning beterano na nanguna sa rebolusyunaryo noong 1980’s.
Sa pahayag ni teodoro, ang kalayaan ng Pilipinas ay hindi lang basta tinatamasa ng bansa kundi dapat inaalagaan at ipinagyayabong.
Giit naman ni VM Servo, dapat gawing responsibilidad lalo na ng kabataan ang pag-aalaga at pagpapahalaga sa kalayaan na ating tinatamasa.
Facebook Comments