Bagong DOH Usec. Eric Tayag, hinahanapan pa ng assignment sa DOH

Kinumpirma ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na wala pang assignment na naibibigay kay bagong hirang na Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Tayag.

Ayon kay Vergeire, pag-uusapan pa nila kung saan ilalagay si Tayag base sa kanyang kapasidad.

Samantala, kinumpirma rin ni Vergeire na nagsimula na kahapon sa kanyang bagong assignment si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayon ay DOH Undersecretary Camilo Cascolan.


Aniya, inilagay niya si Cascolan sa DOH Visayas Area for Operations sa Regions 6, 7 at 8.

Partikular aniyang tututukan ni Cascolan ang inventory ng commodities ng DOH lalo na ang COVID-19 vaccines.

Ibinase aniya ang assignment kay Cascolan sa background nito sa logistics at procurement.

Facebook Comments