Bagong draft ng BBL, isusumite kay Pangulong Duterte sa susunod na Lunes

Manila, Philippines – Malugod na ibinalita ni Presidential Adviser for the Peace Process Secretary Jesus Dureza na patapos na ang draft ng bangong Bangsamoro Basic Law at malapit na nila itong isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dureza sa briefing sa Malacanang, hapon ng 17 ng Hulyo ay isusumite na nila ito sa Pangulo bago tuluyang isumite sa Kamara para simulan ang paggulong nito para maging isang ganap na batas.

Samantala, sinabi din ni Dureza na mayroon silang bukod na paguusap sa kampo ni Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari para naman sa kanilang mga inputs sa posibleng pag amiyenda sa republic act number 9054 na siyang bumubuo sa Autonomous Region in muslim Mindnaao.


Paliwanag ni Dureza, hindi nakasama ang kampo ni Misuari sa pagbuo ng BBL kaya mayroon silang ibang binubuong bukod na pag-uusap.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments