Bagong draft ng Security of Tenure Bill, isinumite na ng DOLE sa Palasyo

Isinumite na ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa Malacañang ang bagong draft ng Security of Tenure (SOT) Bill.

Ito’y matapos i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang bersyon nito.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, nakapagpasa sila ng bagong draft kay Executive Sec. Salvador Medialdea.


Bago ang pag-draft, siniguro aniya na nakapagsagawa sila ng konsultasyon sa mga stakeholder, mga manggagawa, at mga employer.

Tumanggi naman ang kalihim na banggitin ang pagkakaiba ng bagong draft mula sa Vetoed Bill.

Ang bagong draft ay ipapasa rin sa Kongreso sa pagbabalik sesyon nito.

Facebook Comments