Bagong draft ng Security of Tenure Bill, isusumite ng dole sa Malacañan ngayong araw

Isusumite na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Malacañan ngayong araw ang bagong bersyon ng Security of Tenure Bill.

Ito ay alinsunod na rin ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos i-veto o hindi pirmahan ang inabrubahang bersyon nito noong 17th Congress.

Ayon kay DOLE Asec. Benjo Benavidez, nakapaloob sa draft na tiyak na mababalanse ang interes ng mga negosyante at mga manggagawa.


Siniguro rin ni Benavidez, na ang bagong draft ay hindi mave-veto ng pangulo.

Gayumpaman, daraan pa rin ito sa konsultasyon sa iba’t-ibang sektor.

Facebook Comments