Mas pinaigting ang dredging operations sa Dagupan sa tulong ng bagong dredger mula sa DPWH Region I, bilang bahagi ng flood mitigation program ng lungsod.
Ikinatuwa naman ng alkalde ng lungsod ang makinaryang ipinagkaloob ng DPWH sa pangunguna ni Regional Director Ronnel M. Tan, na aniya’y malaking tulong sa pagpapalalim at paglilinis ng Pantal River patungong Patogcawen River bilang paghahanda sa tag-ulan at high tide.
Kasama sina Councilor Michael Fernandez at City Engineer Josephine Corpuz, personal na ininspeksyon ni Mayor Belen ang operasyon.
Ayon kay Engr. Corpuz, layon ng dredging na bawasan ang siltation at mapanatili ang maayos na agos ng tubig.
Tiniyak naman ni Vice Mayor BK Kua at ng Sangguniang Panlungsod ang buong suporta sa mga proyektong kontra baha at patuloy na pag-identify ng karagdagang flood mitigation measures. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






