
Mino-monitor na ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO-NIR) ang isang bagong illegal drug group na nag-o-operate sa rehiyon.
Ayon kay PRO-NIR Director Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay, sa kanilang impormasyon, nagmula sa ibang rehiyon ang grupo pero may mga downline o network ito na nag-o-operate sa Negros Island Region.
Ang grupo ang pinaniniwalaang nasa likod ng mga malalaking volume ng droga na nasamsam ng mga awtoridad noong nakaraang linggo.
Sa ngayon, inaalam na ng mga awtoridad kung saan ang transhipment area ng grupo sa pamamagitan ng koordinasyon sa Philippine Coast Guard at Maritime Police.
Facebook Comments









