Umaasa ang Department of Science and Technology (DOST) na magkakaroon ang bansa ng bagong Earth Observation satellite sa kalawakan pagsapit ng 2023.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ang Advance Science and Technology Institute (ASTI) ay nagsasagawa na ng iba’t ibang inisyatibo para maisakatuparan ito.
Matapos aniya ilunsad ang microsatellites ng Pilipinas na DIWATA-1 at DIWATA-2, plano na ring magkaroon ng malaking observation satellite na kayang makakuha ng dekalidad ng mga litrato na may sukat na 100,000 square kilometers na land area.
Ang Multispectral Unit for Land Assessment o MULA, sinabi ni Dela Peña na ang commercial-grade satellite ay may bigat na 130 kilograms.
Ang bagong satellite initiative ay popondohan ng DOST at dine-develop ng Advance Satellite and Know-how Transfer for the Philippines (ASP) Project, na may koordinasyon sa PhilippineSpace Agency (PhilSA).
Katuwang din sa proyektong ito ang British company na Surrey Space Technology Limited (SSTL).