Thursday, February 26, 2026

Bagong EDSA Busway Kamuning Station, inaasahang magagamit na sa susunod na buwan

Inaasahang sa susunod na buwan ay magagamit na ng publiko ang bagong EDSA Busway Kamuning Station, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Pero bago iyan, una munang ininspeksyon ni Transportation Secretary Giovanni Lopez ang naturang istasyon bilang bahagi ng kaniyang pagko-commute.

Aniya, ang isinagawang inspeksyon ay para masiguro na ligtas at komportable ang mga commuter sa oras na maging operational ito.

Ayon pa sa kalihim na mayroon ang Kamuning Station na manlift, pati na rin elevator para sa kaginhawaan lalo na sa mga senior citizen, buntis, at persons with disabilities (PWD).

Dahil dito, ipinag-utos niya ang pagpapabilis sa konstruksyon para agad na magamit ng mga komyuter.

Facebook Comments