Manila, Philippines – Umaarangkada na ngayon ang mga electronic jeepney bilang panimula ng makabagong panahon ng public transport.
Sa pagtutulungan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ng Meralco at ng lokal na pamahalaan ng Makati at Mandaluyong City, napapakinabangan na ng publiko ang mga electric jeepneys sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program .
Labinlimang electric jeepneys ang idineploy sa mga ruta na Buendia MRT sa Makati hanggang Mandaluyong City Hall via Jupiter Street, at pabalik.
Dahil pinatatakbo ng kuryent ang nga euro 4-compliant na e-jeepneys ay maituturing na eco-friendly at emission-free .
Ang mga e jeepney ay mayroong side entrance, Automated Fare Collection System, GPS tracking system, at CCTV cameras.
May nakalaaan din itong upuan para sa mga senior citizens at PWDs.
May WiFi at USB ports Para mas maging kumportable ang mga pasahero.
Sa pamasahe na naglalaro mula PHP9-15, ang commuters ay makakapagbiyahe ng ligtas at kumbinyente.
Operational ang Makati-Mandaluyong eSakay route mula 5:00 AM hanngang alas-12 ng hatinggabi.